Dear Mom,

Mama,Ma,Mom,Mommy,Mudra,Mudang,Madir & whatever endearment we have,Happy Mother’s Day!

Ma,alam ko namang hindi mo ito mababasa kasi forever secret ang Tumblr ko sayo. Pero anyway,gagawa ako ng graphic art for you tulad ng ginagawa ko kay Papa every Father’s Day. Syempre,special yung sayo kasi ikaw yung bestfriend Mom ko kahit alam mong Daddy’s girl talaga ako. Hahaha! 

Ma,gusto ko lang naman magpasalamat sayo. Sa lahat ng pag-aaruga,pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay mo sa aming magkakapatid. Kahit pasaway,makulit at ang gulo-gulo ng buhay namin,mahal na mahal mo pa din kami. Ma,pasensya na kung minsan ang pasaway namin ha? Kahit alam namin na hirap na hirap ka na,patuloy pa rin kami sa pagiging pasaway. Pero kahit ganun kami,Ma hindi mo pa rin kami pinapabayaan. Ma,thank you sa lahat-lahat. Kung wala ka,hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Sobrang halaga mo sa akin na hindi ko kaya kapag nawala ka.

Ma,alam kong hindi mo alam kung ano yung hinanakit ko sayo nung bata pa ako pero hayaan mo ako iparamdam sayo ngayon na mahal na mahal ka namin Mama. Thankful ako kay God kasi ikaw yung ginawa niyang Mommy ko kahit mukhang di ko naman deserve dahil sa katamaran ko sa buhay. Pero alam ko,mahal ako ni God kaya ka niya binigay sa akin.

I love you,Mama. You will always be my Mom & I will always be your daughter. Sobrang pasasalamat ko sa inyo ni Papa kasi sobrang pinapahalagahan niyo kami. Grabeng blessing ang hatid niyo sa akin kaya hindi mapapantayan ng sino man ang mga sakripisyo niyo ni Papa sa aming magkakapatid. 

Ma,dahil araw niyo ngayon. Gawin nating sobrang special ang araw na ito. Kikilos ako sa bahay at gagawa ng gawaing bahay. Pramis! ♥

Happy Mother’s Day,Mama! :*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s