Long distance relationship…nakakapanghina. :(

Hindi ko alam bakit ako  naiiyak ngayon eh. Hindi naman kasi kami totally LDR na nasa malayo siyang lugar,actually ilang Barangay lang yung layo niya pero kailangan pa ng transportation para magkita kami. Hindi na kasi siya magtutuloy ng pag-aaral niya,alam ko na yun kahit hindi pa niya sabihin. Hindi na kami magkakasabay pumasok tapos paguwi,ako na lang mag-isa. Tapos problemang financial pa niya kaya hindi siya madalas makakapunta sa amin. Ang babaw ko noh?

Hindi kasi ako madalas magkwento ng tungkol sa amin dito,oo dati nakakapagpost ako pero binura ko na yung mga dati kong post na yun. Nakilala ko siya sa school kung saan ako gumraduate,dun nagsimula yung lovestory namin. Tapos palagi na kaming sabay pumasok,umuwi,mag-lunch at palagi ko siyang nakakasama sa event na meron yung church at family ko. Pero ngayon,hindi na. Hindi ko na siya makakasabay pumasok,wala na akong kasama pag-uwi,wala ng maghahatid at magsusundo sa akin,wala na akong kasabay maglunch. Nakakapanghina pag nawala yung nakasanayan mo na,ang hirap mag-adjust.

Paano kapag may nakilala siyang iba,paano kapag ipinagpalit niya ako? Kahit sabihin natin na hindi siya madalas lumabas ng bahay,syempre hindi pa rin maiiwasan na maghanap siya ng pupuno sa pagkukulang ko dahil magiging busy ako sa pag-aaral. Lalo na kapag dumating yung thesis,group work o kung ano mang eklavu ng eskwelahan na yun. Parang ang hirap. Buti sana kung kapitbahay ko lang siya,okay lang. Mas madali pang harapin kahit magkaiba kami ng school kaso hindi eh. 

Hindi ko alam,nanghihina ako ngayon. Parang ayoko ng gumising pag natulog ako. Ngayon pa nga lang na one week na kaming hindi magkikita,idagdag mo pa yung darating na mga araw na may pasok na ako. Paano na? Hindi ko alam ang gagawin ko. Huhuhuhu T^T

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s