Dear BOYS,

Treat your girlfriend like a princess.

Pag nag walk out siya, habulin mo. Pag tinulak ka niya, yakapin mo at wag kang bibitaw. Pag tahimik siya, tanungin mo kung anong ayaw niya. Pag nakikita mo siyang pagod na pagod, sabihin mo sa kanya na maganda siya. Pag umiiyak siya, wag kang magsasalita at yakapin mo lang siya ng mahigpit. Pag nakikita mo siyang naglalakad, magtago ka at gulatin mo sabay yakapin mo siya sa likod. Pag natatakot siya, protektahan mo. Pag sinandal niya ulo niya sa balikat mo, taas mo ulo niya at ikiss mo sa ilong. Pag inaasar ka niya, asarin mo rin siya hanggang sa magtawanan kayo pero siguraduhin mong hindi siya mapipikon. Pag di niya sinasagot ng matagal, siguraduhin mong ayos lang siya. Pag tinignan ka niya nang may kasamang pagdududa, sabihin mo sakaniya ang totoo at wag na wag kang magsisinungaling. Pag sinabi niyang mahal ka niya, nagsasabi siya nang totoo at galing sa puso niya. Pag kinuha niya kamay mo, hawakan mo rin kamay niya. Pag nagsabi siya sayo ng sikreto, ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka niya na wag mong sasabihin kahit kanino. Pag tinignan ka niya sa mata, wag kang lilingon hangga’t di siya lumilingon.

Pag namimiss ka niya ng sobra, nasasaktan siya at iparamdam mo sakaniya na kahit di kayo magkasama siya parin ang laman ng isip at puso mo. Pag nasaktan mo siya, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya. Pag sinabi niyang ayaw na niya, gusto ka parin niyang maging sa kanya. Tawagan mo siya bago ka matulog at pag gising mo. Wag kang matutulog hangga’t di siya nakakatulog lalo na pag may sakit siya. Panuorin niyo ang paborito niyang movie kahit na ayaw mo. Hayaan mong suotin niya ang damit mo. Patunayan mong importante siya sayo. Halikan mo siya sa ulan. At higit sa lahat, wag na wag kang magsasawa sa kanya at tratuhin mo siya na parang prinsesa mo para tratuhin ka rin niyang parang prinsipe niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s