How was the feeling?

Masakit. Sobrang sakit. Kahit isang buwan na ang nakalipas simula nung magdesisyon siyang makipaghiwalay at tatlong linggo na ang lumipas simula ng maging maayos ang lahat, nandun pa din yung sakit. Nandun pa din yung ala-ala kung paano niya dinurog ang puso ko ng mga panahon na ‘yun. Wala akong ideya, hindi man lang ako nakapaghanda, nasorpresa ako sa sakit na dinulot niya.

Akala ko magiging okay lang ako kung magdedesisyon siyang iwan ako, iyon pala akala ko lang ang lahat. Hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya. Sobrang laki na ng naging parte niya sa buhay ko, sa puso ko. At hindi ganun kadali ang bitawan na lang siya ng basta-basta. Limang taon. Limang taon ko siyang minahal at maraming taon ko pa siya mamahalin. Siguro hindi sapat yung limang taon para patunayan yung pagmamahalan namin pero *insert mura here* hindi rin biro ang limang taon naming pagsasama bilang magkasintahan. Hindi biro yung oras at panahon na ginugol namin para sa bawat isa. Hindi biro yung mga pagsubok na dinaanan namin noon na magkasama. Hindi biro yung mga masasayang ala-ala na pinagsamahan namin kahit marami ang di sumasang-ayon dito. Iyong mga panahon na maraming hindi siya gusto para sa akin dahil sa ugali niya, sa buhok niya, sa tindig niya, sa ayos niya. Pero *insert mura here* wala akong pakialam kung anong tingin ng iba sa kanya basta para sa akin, mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya. At mamahalin ko siya hangga’t kaya ko pa.

Sa pangalawang pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa aming dalawa, gagawin ko lahat ng makakaya ko para maging masaya kaming dalawa sa relasyon na pinili naming ipaglaban parehas. Sa relasyon na kahit hindi ito katulad ng ibang magagarbong relasyon na halos langgamin na sa ka-sweetan, pinili pa rin naming dalawa na ayusin anuman ang mga nasira namin. At kung may hihilingin man ako sa Diyos sa mga oras na ‘to…(alam mo na po ‘yun Lord.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s